Ating sariwain ang isang dekadang lumipas ng manumpa sa
harapan ng Maykapal
Tandang-tanda pa ang kaibhan ng seremonya at paggayak na
tayo'y animoy hangal
Ngunit ang puso natin ay hindi mapigilan sa iisang
adhikain
Na ang Diyos lamang ang maging sentro sa pag-iisang
dibdib natin.
Ating sariwain maraming tanong na hinarap sa mga parte ng
tradisyon na ating inalis
'Pagkat simpleng ating asam na ang kaluwalhatian ng Diyos
ay di nawa malihis
Kay sarap balikan ang metikulusong pagpaplano at
"trial and error" na paghahanda;
Biyayang hindi natin mawari paano ba natin nairaos at
matagumpay na naisagawa.
Ating sariwain ang ating unang pagbiyahe sa lugar na di
natin kabisado
Nag-'commute' sa La Union na ang baon ay lakas ng loob at
taimtim na pagsamo
Na ang ating mga paa ay mapadpad sa tamang lokasyon at
ang Diyos ay maparangalan
Kay sarap alalahaning narating din natin ang Sunset Bay
kahit wala pang Waze na sinandigan.
Ating sariwain unang paghihintay natin na tayo nawa ay
pagkalooban ng anak
Tanda ko pa ang kaba at pangamba ng unang diagnosis ay
ginuho ang galak
Isang dekada na rin natin itong hinaharap at idinudulog
sa pananalangin at pagsamo
Salamat sa Diyos na Siya ang ating kasapatan at ikaw ang
binigay Niyang agabay sa lakbaying ito.
Ating sariwain mga alaalang ninanais nating sa isipan
nawa ay maglahong parang bula
Ituon ang paggunita sa grasya ng Diyos, huwag sa mga
gawang ating ikinakahiya
Hindi ba't labis-labis ang pag-ibig ng Diyos at tayo ay
umabot pa ng isang dekada
At patuloy pa ang paghubog Niya sa atin upang ang gayong
karanasan ay di na maulit pa.
Ating sariwain mga nakakatawang eksena, teka at mukhang
sa talatang ito ako ang madidisgrasya
Simulan ko na lang sa mga eksenang 'sun block' na maging
ang Beloved Tulips ay sasaya
At sa aking pagkadaluhasa sa basketball ang 'Kahwi' at
'PHL' ay may hatid na tawa
Wala na akong maalala, malabang karamihan ay pinilit kong
kalimutan 'pagkat ako ang kawawa.
Ating sariwain din ang paninilbihan sa ubasan ng ating Diyos na kasama ka ay aking pribilehiyo
Kagalakan ko ang kaagabay mo noon bilang 'pastor's wife'
hanggang ngayong tayo ay layko
Pagkat paulit-ulit kong sasambitin na nais kong manguna
akong makasaksi
Sa pangungusap at paggamit ng Diyos sa'yo na ang
pagkamangha ay di ko maiwaksi.
Ating sariwain mga panahong tayo ay kapos subalit ang
Diyos ay hindi nagpabaya
Mga biyayang hindi natin mawari at kusang ipagkakaloob
Niya
Hindi ba't sa mga panahong tayong dalawa na lamang ang
nagdadamayan, tayo ay susuko
At tsaka natin matatanto na ang Diyos ang yumakap sa akin
at sa iyo.
Ating sariwain iba't-ibang lugar na napuntahan na
malamang ay madaragdagan kung wala lang pandemya
Kulang na nga ang ating mesa sa mga susunod pang buhangin
at batong iuuwi sa maleta
Maging ang mga t-shirt natin ay patunay ng lakbaying
naitala sa isang dekadang tayo'y magkasama
Papuri sa Diyos lamang ang aking sambit ngayong inaalala
ang mga ito habang sa'yo ay nakatulala.
Tunay ngang hindi perpekto ang isang dekadang pag-iisang
dibdib na ito
Subalit maniwala kang masaya ako at ikaw ang ipinagkaloob
na kabiyak ng aking puso
Hindi ko mawari kung sino ang Anna na haharap sa Diyos sa
oras na ito
Kung hindi sa pangunguna, paggabay at komplementaryong
hakbangin mo kasama ako.
Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Hawak-kamay tayong
maninilbihan sa Diyos nating dakila.
Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Sabay na luluhod sa
Ama sa ating pagsamba man o pangamba.
Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Aawit sa Panginoon,
kaakibat man ay luha o tawa.
Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Sa grasyang biyaya
Niya, 'united in single passion' tiyak pa.
0 comments:
Post a Comment