Monday, September 2, 2024

"For...To" Reflections



"For not to us, not to us" was the battlecry you taught

"To the glory of GOD" became a banner for every war fought


For the witnessed countless scars and immeasurable tears of frustrations 

To the unfathomable outpouring in you of His unspeakable grace and interventions 


For the overlapping deadlines and tasks trying to kill your passion

To marvel from received simple gestures that rekindle your compassion


For those nerve-wracking preparations rendering you helpless

To those unbounded workings of the Spirit that leave us speechless


For those heartaches received from withered plant/s, dead fish and birds

To even piling collections of books with guilt of not reading even the thirds


For those planned vacations, projects and works that remained plans

To sudden long drives and getaways even we don't have spacious sedans


For even this poem you will find debatable why not use "from"

To me telling you this is just a style to pen my heart's hum


For I am always tongue-tied to see God working in your life

To that I will be forever thankful that God blessed me to be your wife


For...to

Four - two

Blessed 42nd, my beloved Best and GODsend



Thursday, June 30, 2022

Ating Sariwain...Ikaw at Ako

 

Ating sariwain ang isang dekadang lumipas ng manumpa sa harapan ng Maykapal

Tandang-tanda pa ang kaibhan ng seremonya at paggayak na tayo'y animoy hangal

Ngunit ang puso natin ay hindi mapigilan sa iisang adhikain

Na ang Diyos lamang ang maging sentro sa pag-iisang dibdib natin.

 

Ating sariwain maraming tanong na hinarap sa mga parte ng tradisyon na ating inalis

'Pagkat simpleng ating asam na ang kaluwalhatian ng Diyos ay di nawa malihis

Kay sarap balikan ang metikulusong pagpaplano at "trial and error" na paghahanda;

Biyayang hindi natin mawari paano ba natin nairaos at matagumpay na naisagawa.

 

Ating sariwain ang ating unang pagbiyahe sa lugar na di natin kabisado

Nag-'commute' sa La Union na ang baon ay lakas ng loob at taimtim na pagsamo

Na ang ating mga paa ay mapadpad sa tamang lokasyon at ang Diyos ay maparangalan

Kay sarap alalahaning narating din natin ang Sunset Bay kahit wala pang Waze na sinandigan.

 

Ating sariwain unang paghihintay natin na tayo nawa ay pagkalooban ng anak

Tanda ko pa ang kaba at pangamba ng unang diagnosis ay ginuho ang galak

Isang dekada na rin natin itong hinaharap at idinudulog sa pananalangin at pagsamo

Salamat sa Diyos na Siya ang ating kasapatan at ikaw ang binigay Niyang agabay sa lakbaying ito.

 

Ating sariwain mga alaalang ninanais nating sa isipan nawa ay maglahong parang bula

Ituon ang paggunita sa grasya ng Diyos, huwag sa mga gawang ating ikinakahiya

Hindi ba't labis-labis ang pag-ibig ng Diyos at tayo ay umabot pa ng isang dekada

At patuloy pa ang paghubog Niya sa atin upang ang gayong karanasan ay di na maulit pa.

 

Ating sariwain mga nakakatawang eksena, teka at mukhang sa talatang ito ako ang madidisgrasya

Simulan ko na lang sa mga eksenang 'sun block' na maging ang Beloved Tulips ay sasaya

At sa aking pagkadaluhasa sa basketball ang 'Kahwi' at 'PHL' ay may hatid na tawa

Wala na akong maalala, malabang karamihan ay pinilit kong kalimutan 'pagkat ako ang kawawa.

 

Ating sariwain din ang paninilbihan sa ubasan ng ating Diyos na kasama ka ay aking pribilehiyo

Kagalakan ko ang kaagabay mo noon bilang 'pastor's wife' hanggang ngayong tayo ay layko

Pagkat paulit-ulit kong sasambitin na nais kong manguna akong makasaksi

Sa pangungusap at paggamit ng Diyos sa'yo na ang pagkamangha ay di ko maiwaksi.

 

Ating sariwain mga panahong tayo ay kapos subalit ang Diyos ay hindi nagpabaya

Mga biyayang hindi natin mawari at kusang ipagkakaloob Niya

Hindi ba't sa mga panahong tayong dalawa na lamang ang nagdadamayan, tayo ay susuko

At tsaka natin matatanto na ang Diyos ang yumakap sa akin at sa iyo.

 

Ating sariwain iba't-ibang lugar na napuntahan na malamang ay madaragdagan kung wala lang pandemya

Kulang na nga ang ating mesa sa mga susunod pang buhangin at batong iuuwi sa maleta

Maging ang mga t-shirt natin ay patunay ng lakbaying naitala sa isang dekadang tayo'y magkasama

Papuri sa Diyos lamang ang aking sambit ngayong inaalala ang mga ito habang sa'yo ay nakatulala.

 

Tunay ngang hindi perpekto ang isang dekadang pag-iisang dibdib na ito

Subalit maniwala kang masaya ako at ikaw ang ipinagkaloob na kabiyak ng aking puso

Hindi ko mawari kung sino ang Anna na haharap sa Diyos sa oras na ito

Kung hindi sa pangunguna, paggabay at komplementaryong hakbangin mo kasama ako.

 

Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Hawak-kamay tayong maninilbihan sa Diyos nating dakila.

Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Sabay na luluhod sa Ama sa ating pagsamba man o pangamba.

Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Aawit sa Panginoon, kaakibat man ay luha o tawa.

Ikaw at ako, sa susunod pang dekada. Sa grasyang biyaya Niya, 'united in single passion' tiyak pa.




Sunday, June 30, 2019

Mahal Kong Nard


Marami na ang unos na ating pinagdaanan
At ilang beses na ang desisyong sukuan
Hindi ko lubos maisip ano ang ating kinasaglakan
Ang mga nakaraa’y puno ng kapihagtian
Labis ang sakit na ating nakamtan

Kapiraso na lang sa alaala ang ating halakhak
O di kaya ay bilang sa isang buwan ang araw na may galak
Nais kong ipahayag pa rin aking pasasalamat
Ginawad ng Maykapal sa akin ang kabiyak na tapat

Nakakalimot man tayo dahil sa mga dunos at bagyo
Aalalay pa rin ako sa’yo; itatawid Niya tayo
Regalo ka mula sa Diyos; pinapahalagahang lubos
Di kita iiwan ‘pagkat binigkis tayo ng Makapangyarihang Diyos

 


Friday, March 8, 2019

Prayer on my 37th

I still don't know what tomorrow would bring
Increase my faith and to the cross let me cling
You have been faithful and wonderful to me for all these years
How can I thank you with words when I'm beyond tears

Let me live this life for Your glory
Forgive me for I have been full of worry
Restore in me a steadfast spirit and let me live for You
For if I would shame You then going home I'll gladly love to

My eyes are Yours, let them see Your beauty
My ears are Yours, let them hear Your words
My mouth is Yours, let me speak of Your greatness
My hands are Yours, let me serve You dearly
My feet are Yours, let me walk with You faithfully
My heart is Yours, let me love You unconditionally
My whole me is Yours, let me live for Your glory

To You my God, I recommit this life
To You my Lord, I renew my commitment
To You my King, I rededicate my service
To You my First Love, I rekindle my passion

Let me live this another year for You and You alone
Let me be, Father. Holy Spirit, my God, enable me. In Jesus' sweetest Name, Amen.


Image not mine; ctto

 
Copyright His Beloved 2011.